Mga rekomendasyon bago, habang at pagkatapos bumyahe para sa mga dumarating sa Kingdom.
- Kung ikaw ay nasa bansa, manatili sa bahay at iwasan ang pakikipag ugnayan sa iba. Huwag lumabas maliban kung kinakailangan, tulad ng pagbili ng pagkain at gamot.
- Palaging hugasan ang kamay gamit ang tubig at sabon o gumamit ng panghugas ng kamay na may halong alkohol bago, habang at pagkatapos kumain.
- Kung ikaw ay nagpapakita ng kahit ano sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, at hirap sa paghinga at may kasamang maraming tao, magsuot ng mask at ihiwalay ang iyong sarili sa maaliwalas na lugar.
- Huwag ibahagi sa iba ang iyong mga personal na gamit tulad ng mantel, unan at upuan ng lamesa.
- Panatilihin ang ligtas na distansyang isa at kalahating metro at huwag lumapit sa kahit sinong nagpapahiwatig ng sintomas tulad ng pag-ubo at pagbahing.
- Huwag gumamit ng pera, sa halip, gumamit ng card.
- Huwag hawakan ang bagahe ng ibang tao.
- Kailangan mo lang magsuot ng mask kung ikaw ay may mga sintomas o kung ikaw ay nag-aalaga ng apektadong tao. Kung nagustuhan mong sumuot nito, dapat mong malaman kung paano ito suotin ng maayos.
- Hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan kung ang coronavirus ay nanatili sa hangin.
- Ito ay kumakalat mula sa mga patak na tumatalsik sa pag-ubo at pagbahing at kontaminadong kamay at panig.
- Huwag hawakan ang hawakan o panig ng eroplano. Kung nagawa mo, agad na hugasan ang kamay.
Iwasan ang mga pagtitipon. - Takpan ang iyong kamay gamit ang lampin o tuwalya kapag uubo at babahing at itapon ito ng maayos.
- Uminom ng maraming tubig.
- Sa kaso ng mga bata, dapat protektahan ng mga magulang ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunod sa parehong bilin.
- Huwag makipag kamayan o makipag direktang ugnayan sa kahit sino.
- Sa pagdating, kung nakakaramdam ka ng kahit ano sa mga sintomas tulad ng lagnat, pag-ubo at hirap sa paghinga, ipaalam agad sa mga opisyal.