Dahil lamang sa hindi mo nakikita ang bakterya…
Ang iyong kamay ay binibigyan ka ng access sa mundo.
pinagsisilbihan ka ng mga ito sa buong araw, araw-araw
At iyon ang naglalagay sa mga
ito sa panganib ng mga mikrobyo at impeksyon.
Lagi tayong naghuhugas ng mga kamay natin,
at iniisip natin
na natatanggal natin sila kaagad sa paghuhugas
Pero malinis ba talaga ang mga kamay natin?
Nandito ako sa laboratoryo ngayon
para subukan ang 5 iba’t
ibang paraan ng paghuhugas ng mga kamay,
at para ikumpara ang mga resulta ng bawat isa
Maraming tao ang iniisip na hinuhugasan nila
ang kanilang mga kamay sa tamang paraan,
Ipakikita namin ngayon ang iba’t ibang paraan
ng paghuhugas ng mga tao ng kanilang mga kamay
at aalamin natin ng sama-sama
kung alin ang tamang paraan, at alin ang hindi
Handa na akong
magkaroon ng ilang bakterya sa mga kamay ko!
Naglagay ako ng mga
E.coli na bakterya sa aking mga kamay,
at pagkatapos ay kumuha ako ng sample,
Kahit na may mga bakterya sa mga kamay ko ngayon,
mukha pa rin silang malinis sakin,
Iyan ang iniisip mo, tulad ng iniisip ng maraming tao
na makikita mismo ng hubong mata ang mga bakterya.
Nagsimula kami sa unang paraan
ng paghuhugas ng mga kamay,
gamit lamang ang tubig
Pagkatapos ay kumuha ako ng isa pang sample,
At hinugasan ko ang mga kamay
ko gamit ang 4 na iba pang paraan,
gamit ang tubig at sabon sa loob ng 5 segundo,
gamit ang tubig at sabon sa loob ng 40 segundo,
Pagkatapos ay gamit ang hand sanitizer,
isa para sa 5 segundo
at isa pa sa loob ng 20 segundo.
Natapos naming subukan ang 5 iba’t ibang paraan
at pagkuha ng mga sample sa mga Petri dish na ito.
Ilalagay natin ang mga ito sa Incubator
at makikita natin ang mga resulta kinabukasan.
24 oras ang nakalipas, at handa na ang mga resulta.
Ganito ang hitsura
ng bakterya bago hugasan ang mga kamay,
at ito ang pagkatapos
silang hugasan gamit lamang ang tubig,
at ito ang pagkatapos gamitan
ng tubig at sabon nang 5 segundo,
Para sa isang ito,
ito ay pagkatapos gamitan
ang tubig at sabon sa loob ng 40 segundo
Ang mga hand sanitizer
ay magandang alternatiba kung
walang magagamit na tubig at sabon.
Ang tamang paraan para gamitin ang sanitizer
ay i-apply ito sa buong kamay
at ikuskos ito nang 20 segundo,
Bilang pagpapatibay,
laging tandaan,
na ang paghuhugas ng iyong mga kamay
gamit ang tubig at sabon nang 40 segundo
ay ang unang hakbang
tungo sa pagprotekta
sa iyong sarili mula sa mga virus at impeksyon.
Laging hugasan ang iyong mga kamay…
at mabuhay ng maayos.