COVID-19 o Coronavirus”
Ang COVID-19 ay bagong lahi ng coronavirus.
Ang unang kaso ay lumabas sa Wuhan, China,
sa katapusan ng Disyembre 2019,
kahawig ng malalang pulmonya.
Ang genome na pagkakasunod-sunod nito
ay natukoy bilang isang novel coronavirus.
Ang virus ay pinaniniwalaang nagmula sa mga hayop,
dahil ang koneksyon
ay natukoy sa pagitan ng unang mga kaso
at ang pamilihan ng mga
mababangis na hayop sa Wuhan.
Mula roon, ang virus ay kumalat sa ibang mga lugar,
na umabot sa mga karatig bayan ng China
at iba pang mga bansa sa pamamagitan
ng mga manlalakbay na nagmula sa China.
Ang pinaka karaniwang mga sintomas ng coronavirus
ay lagnat,
sakit ng ulo, pag-ubo at kahirapan sa paghinga.
Ang ilan sa mga kaso ng coronavirus
ay nagkakaroon ng pulmonya
at iba pang malalang kumplikasyon,
lalo na sa may mga nakompromisong immune system,
matatanda at mga taong may malalang kundisyon.
Ang virus ay madalas naililipat
sa pamamagitan ng mga ugnayan sa mga pasyente
o mga talsik mula sa pag-ubo at pagbahing.
Para maiwasan ang impeksyon sa coronavirus,
laging hugasan
ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig,
gumamit ng tisyu kapag umuubo o bumabahing,
lutuing mabuti ang karne at mga itlog,
at iwasan ang ugnayan mula sa sinuman
na pagpapakita ng mga sintomas
ng sakit sa paghinga tulad ng ubo at pagbahing.
Kung nagbibiyahe ka patungo sa kingdom,
hihilingin sa inyo na
pirmahan ng form ng deklarasyon ng kalusugan
bago dumating sa paliparan
at ibibigay ito sa passport control.
Ang mag biyaherong dumating
mula sa China sa nakaraang dalawang linggo
ay dapat ideklara nito.
Sa karagdagan,
ang mga bumyahe mula sa China ay susuriin,
at ang mga pinaghihinalaang may kaso ay ihihiwalay
at mabibigyan ng lahat ng kanilang kakailanganin,
tulad ng matutuluyan, atbp.
Manatiling malusog at mabuhay nang maayos.