Pagpigil sa Coronavirus
Ang bagong virus (COVID-19)
Ang Iyong Pang-impormasyong Gabay Laban sa Virus
Mga paraan para sa impeksyon ng Coronavirus o COVID-19:
- Direktang matalsikan ng maliliit at kumalat na patak ng laway ng taong umubo o bumahing.
- Hindi direktang transmisyon tulad ng paghawak ng kontaminadong lugar o kagamitan at pagkatapos ay paghawak sa bibig, ilong o mata.
- Direktang ugnayan sa mga taong nahawaan na.
Mga sintomas ng Coronavirus o COVID-19:
- Mataas na lagnat
- Pag-ubo
- Pag-igsi ng paghinga
Paano maprotektahan ang iyong sarili laban sa Coronavirus o COVID-19:
- Hugasan ang iyong mga kamay
Gamit ang tubig at sabon na tatagal ng 40 segundo
O gamit ang alkohol na tatagal ng 20 segundo - Takpan ang iyong bibig at ilong
Gamit ang tisyu o iyong siko kapag uubo at babahing
At gamit ang face mask kapag lalabas - Iwasan ang direktang ugnayan mula sa mga taong nagpapakita ng sintomas katulad ng sakit sa paghinga tulad ng pag-ubo at pagbahing.
Kailan dapat hugasan ang iyong kamay?
- Bago, habang o pagkatapos magluto ng pagkain.
- Bago kumain.
- Pagkatapos umubo o bumahing.
- Bago o pagkatapos mag-alaga ng may sakit.
- Pagkatapos gumamit ng banyo.
- Pagkatapos palitan ng lampin ang bata.
- Pagkatapos humawak ng hayop.
- Pagkatapos humawak ng basura.
Mabuting paraan sa paghuhugas ng iyong kamay upang maiwasan ang Coronavirus:
Kailan?
- Bago at pagnatapos kumain.
- Pagkatapos umubo at bumahing.
- Pagkatapos gumamit ng banyo.
Hugasan ang iyong kamay ng sabon, tubig o sterile na alkohol sa loob ng 40 segundo.,
Magandang kaugalian sa pagbahing upang maiwasan ang impeksyon:
- Gumamit ng tisyu sa pag-ubo at pagbahing.
- O gamitin ang iyong siko sa pamamagitan ng pagbaluktot ng iyong braso.
- Hugasan ang iyong kamay sa maligamgam at bumubulang sabon sa loob ng 40 segundo.
- Iwasan ito sa lalong madaling panahon.
Importanteng payo kapag nagpapakita ng sintomas sa paghinga ng Coronavirus:
Nagmamalas ka ng mga sintomas sa paghinga at ikaw ay nanggaling sa isa sa mga bansa kung saan mga kaso ng Coronavirus ay nairehistro sa nakaraang dalawang linggo?
- Magsuot ng medical mask.
- Tumawag sa 937.
- Pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Kailan isinasagawa ang Quarantine?
- Sa oras ng kompirmasyon ng Coronavirus o COVID-19, ang mga pasyente ay ilalagay sa Quarantine sa loob ng ospital.
- Sa oras ng kompirmasyon ng pakikipag-ugnayan sa taong nahawaan ngunit walang malinaw na sintomas ng impeksyon, ang mga kasong ito ay dapat i-quarantine sa loob ng bahay. Paano? Pananatili sa loob ng bahay hangga’t ito ay kompirmado na walang impeksyon tulad ng pagkatapos ng dalawang linggong panahon ng incubation.
Pamamaraan ng Quarantine sa loob ng bahay:
- Kapag umuubo o bumabahing, gumamit ng wipes at itapon ito sa basurahan o takpan ang iyong bibig gamit ang iyong siko at hugasan ang iyong kamay ng tubig, sabon o ng sterile na alkohol.
- Manatili sa inyong bahay at umiwas sa iba kung kinakailangan.
- Humingi ng tulong mula sa iyong paligid upang alagaan ka.
- Iwasan ang paglalakbay sa pampublikong lugar tulad ng paaralan o sa trabaho.
- Iwasan ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay.
Kung kinakailangan, upang makipag usap sa iba:
- Mag-iwan ng kahit limang metrong pagitan lamang sa inyo.
- Magsuot ng mask tuwing umaalis sa bahay o kapag nakikisalamuha sa iba.
Maglakbay habang pinananatili sa isip ang mga rekomendasyon sa paglalakbay para sa Coronavirus o COVID-19.
- Maglakbay lamang kapag kinakailangan.
- Kung may lagnat, ubo o pag-igsi ng paghinga ikaw ay dapat maghanap ng serbisyong medikal at ibahagi ang iyong nakalipas na rekord o talaan ng paglalakbay sa iyong healthcare provider.
- Umiwas sa paglalakbay kapag may lagnat o ubo.
- Iwasang maglakbay sa ibang bansa kung saan may pagkalat ng virus.
- Mga indibidwal na mayroong talamak na sakit ay dapat makipagkita sa doktor bago maglakbay.
- Kung mayroong ibang katanungan, tumawag sa 937.
Sabi nila ikaw ay dapat magsuot ng mask sa lahat ng oras upang makaiwas sa impeksyon ng Coronavirus.