Ano ang kailangan mong malaman kung mahawaan ka ng COVID-19?
Isang komprehensibong gabay para sa kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng impeksiyon, pagkakaroon ng malapit na pakikisalamuha sa mga indibidwal na may impeksiyon, at paggaling mula sa COVID-19
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Mga Posibleng Kaso ng Impeksiyon
Gusto mong magpasuri?
Nakasalamuha mo ang isang taong may kumpirmadong kaso?
Mayroon kang mga sintomas?
Mga sentro ng pagsusuri ng Taakad
Magrehistro sa Tetamman app
Mga klinika ng Tetamman
Nasuring positibo
Nasuring negatibo
Ibukod ang iyong sarili nang 14 na araw
Mga banayad na sintomas
Mga malalang sintomas
Nakumpleto mo ang 14 na araw nang walang sintomas?
Lumitaw ang mga sintomas sa panahon ng pagbubukod?
Bumukod nang 10 araw sa tahanan
Kumuha ng medikal na pangangalaga
Walang sintomas
Mayroon ka bang mga sintomas na nagpapatuloy o lumilitaw pa lamang?
Patuloy na sundin ang mga pag-iingat
Paggaling
Alin ang mga sitwasyon na kailangan ang pagbubukod sa tahanan?
Kailangan ang Pagbubukod sa Tahanan
Kapag pinagsususpetsahang may impeksiyon ang isang indibidwal
Kapag kumpirmado ang impeksiyon (mga positibong kaso)
At ito ang mga sumusunod:
Mga taong mayroong mga banayad na
sintomas
na hindi nangangailangan ng pagpapaospital.
Mga positibong kaso
na mayroong mga banayad na sintomas at
gumaling na, at kayang kumpletuhin ang
panahon ng medikal na pagbubukod sa tahanan
Habang ang mga taong nakisalamuha sa mga kumpirmadong kaso ay:
Dapat na ibukod ang kanilang mga sarili sa tahanan nang 14 na araw
mula noong nakasalamuha nila ang may kumpirmadong kaso anuman ang mga resulta ng pagsusuri.
Kung nagsimulang lumitaw ang anumang sintomas,
pumunta kaagad sa pinakamalapit na klinika (Tetamman) sa iyo.
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Mga Posibleng Kaso ng Impeksiyon
Mayroon kang mga sintomas?
Lagnat
Ubo
Pangangapos ng hininga
Pananakit ng kalamnan
Mga klinika ng Tetamman
Alamin ang tungkol sa pinakamalapit na klinika sa paligid mo
Mag-click dito
Sabi ni Aban bin Uthman: “Narinig kong
sinabi ni Uthman bin Affan [nawa’y
malugod si Allah sa kanya]: ‘Sinabi ng Sugo ni Allah: “Walang sumasamba na
nagsasabi, sa umaga ng bawat araw, at sa
kadiliman ng bawat gabi: ‘Sa Ngalan ng Allah, na sa Kanyang Pangalan ay walang
mapipinsalang bagay sa lupa o sa mga
kalangitan, at Siya ang Nakakarinig, ang
Nakakabatid – tatlong beses, ang
magkakaroon ng anumang pinsala.”
Isinalaysay ni Abu Dawood
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Bumukod nang 10 araw sa tahanan
Pagbubukod sa indibidwal na kumpirmado o pinagsususpetsahang nahawaan ng Coronavirus nang malayo sa mga tao sa paligid niya sa tahanan para maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hiwalay na kuwarto mula sa mga miyembro ng samabahayan hangga’t maaari
Walang sintomas
Paggaling: Hindi kailangan ng kumpirmasyon ng pagsusuri ng laboratoryo
Paggaling
Alam mo ba
80%
ng mga indibidwal na nahahawaan ng COVID-19
ay mayroong mga banayad na sintomas o walang kahit anong sintomas at maaari silang magpagaling sa tahanan nang hindi kinakailangang pumunta sa paospital.
Pagbubukod sa tahanan:
Pananatili sa tahanan habang sinusubaybayan para sa may mga sintomas anuman ang pagsusuri sa laboratoryo
Quarantine sa tahanan:
Pananatili sa tahanan habang sinusubaybayan ang mga taong nakasalamuha ng kumpirmadong kaso at walang sintomas anuman ang pagsusuri
sa laboratoryo
Panahon ng ingkubasyon:
Ang panahon sa pagitan ng pagkakalantad sa sakit/virus hanggang sa simula ng mga
sintomas at ang pinakamatagal nito para sa
Coronavirus ay 14 na araw
Ano ang Pagbubukod sa Tahanan?
Sa Pamamagitan ng Pagbubukod sa Tahanan
Napipigilan mo ang pagkalat ng virus
Protektahan ang iyong pamilya.. Iyong mga kaibigan.. maging ang mga taong hindi mo kilala.
Ano ang dapat mong gawin sa panahong ito?
Subaybayan ang iyong mga sintomas at sa oras mismo na maramdaman mong mayroon kang ubo, lagnat, o kahirapan sa paghinga, tumawag sa 937.
Huwag lumabas ng iyong bahay maliban kung kailangan mo ng medikal na pangangalaga.
Ibukod ang iyong sarili sa kuwartong may mabuting bentilasyon.
Iwasang tumanggap ng bisita lalo na mula sa mga taong pinakamadaling maapektuhan ng mga komplikasyon.
Kumain ng masustansiyang pagkain at higit pang gulay at prutas, uminom ng maraming tubig, at huwag ibahagi ang iyong pagkain sa sinuman.
Lumayo sa mga alagang hayop sa tahanan bilang pag-iingat.
Kung mayroon kang medikal na appointment na hindi maaaring ipagpaliban, tawagan sila at sabihin sa kanila na mayroon kang impeksiyon, o na maaaring mayroon kang COVID-19.
Mga kondisyon ng Pagbubukod sa Tahanan?
Gumamit ng hiwalay na banyo, kung posible, Gayunpaman, kung maraming gumagamit ng banyo, dapat itong isterilisahin at disimpektahan pagkatapos ng bawat paggamit.
Ang indibidwal na ibinubukod sa tahanan ay dapat na may hiwalay na kuwarto na malayo sa ibang miyembro ng sambahayan hangga’t maaari.
Patuloy na buksan ang mga bintana at tiyakin ang mabuting bentilasyon.
Mandalas na disimpektahan ang mga patungan at gamit na madalas mahawakan, gaya ng mga hawakan ng pinto.
Isinalaysay ni AbuBakrah: Sinabi ni AbdurRahman ibn AbuBakrah na sinabi niya sa kanyang ama: O aking ama! Naririnig kitang nagsusumamo bawat umaga: “O Allah! Ipagkaloob mo ang kalusugan sa aking katawan. O Allah! Ipagkaloob mo sa akin ang magandang pandinig. O Allah!
Ipagkaloob mo sa akin ang magandang
paningin. Walang ibang diyos ngunit
Ikaw lamang.” Uulitin mo ang mga iyon
nang tatlong beses sa umaga at tatlong
beses sa gabi. Sinabi niya: Narinig ko ang Sugo ni Allah (صلى الله عليه وسلم) na ginagamit ang mga salitang ito bilang pagsusumamo at nais kong sundin ang kanyang gawi.
Kailan magsisimula ang pagbubukod sa tahanan o panahon ng quarantine at kailan ito matatapos?
Pagbubukod sa tahanan:
Para sa mga mayroong sintomas anuman
ang pagsusuri sa laboratoryo
Quarantine sa tahanan:
Para sa mga nakasalamuha ng kumpirmadong kaso at walang sintomas anuman ang pagsusuri sa laboratoryo
Halimbawa: Isang Kuwento ng Pamilya
Nagkaroon ng impeksiyon ang isang miyembro ng pamilya (ang tatay), at pagkatapos niya ay ang anak na lalaki sa
ika-8 araw.. Kailan magsisimula at magtatapos ang kanilang panahon ng pagbubukod at kailan naman magsisimula
at magtatapos ang panahon ng quarantine ng ibang miyembro ng pamilya?
Ang Tatay
Paglitaw ng mga sintomas – Magsisimula ang Panahon ng Pagbubukod
Pagtatapos ng Panahon ng Pagbubukod
Mga Miyembro ng Pamilya
Magsisimula ang Panahon ng Quarantine
Pagtatapos ng Panahon ng Pagbubukod
Ang Anak na Lalaki
Magsisimula ang Panahon ng Quarantine
Paglitaw ng mga Sintomas
Mayroon kang mga Sintomas?
Ang panahon ng pagbubukod ay 10 araw; nagsisimula mula sa unang araw ng paglitaw ng mga sintomas sa kumpirmadong kaso
Pagtatapos ng Panahon ng Quarantine
Ang Tatay
Ang unang miyembro sa pamilya na nagkaroon ng impeksiyon at mayroong mga sintomas; dapat siyang manatili sa tahanan nang 10 araw mula sa paglitaw ng mga
sintomas (mataas na temperatura, ubo, pangangapos ng hininga)
Ang Anak na Lalaki
Ang ikalawang miyembro sa pamilya na nagkaroon ng impeksiyon pagkatapos ng tatay at dapat siyang manatili sa tahanan nang 10 araw mula sa paglitaw ng mga sintomas anuman ang orihinal na panahon
ng pagbubukod (14 na araw)
Ang Ibang Miyembro ng Pamilya
Na Walang sintomas ay dapat manatili sa tahanan nang 14 na araw
Nagsisimula 2 araw bago magsimulang lumitaw ang mga sintomas sa miyembro ng pamilya na unang nagkaroon ng impeksiyon
Ang Pagtatapos ng panahon ng pagbubukod
para sa mga nagkaroon ng mga sintomas
ay nakadepende sa kondisyon na wala na
ang mga sintomas (mataas na temperatura,
pag-ubo, at pangangapos ng hininga) nang 3
araw
Hindi kailangang muling magpasuri para sa COVID-19 para kumpirmahin ang paggaling
Ang iyong personal na pangangalaga:
Huwag ibahagi ang iyong mga personal na kagamitan sa iba
Labhan ang iyong mga damit (sa °60 – °90) at patuyuin ang mga ito nang mabuti
Maglaan lamang ng isang banyo para sa iyong paggamit
Gumamit ng mga disposable na paper plate, bowl, tisyu, at baso
Linisin at disimpektahan ang iyong kuwarto araw-araw
Gumamit ng basurahan na may mahigpit na takip
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Mga Posibleng Kaso ng Impeksiyon
Nakasalamuha mo ang isang taong may kumpirmadong kaso?
Sino ang taong itinuturing na nakasalamuha ng indibidwal na may impeksiyon?
Sinumang naninirahan kasama niya sa parehong bahay
Sinumang direktang nakipag-ugnayan sa kaniya, sa pamamagitan ng pakikipagkamay at paghawak o pagdikit
Sinumang nakipag-ugnayan sa isang indibidwal na may impeksiyon nang may distansiya na mas malapit sa 2 metro sa higit sa 15 minuto
Kailan nagsisimula ang panahon ng pakikisalamuha?
Mula 2 araw bago lumitaw ang mga sintomas sa indibidwal na may impeksiyon at hanggang 14 na araw..
Magrehistro sa Tetamman app
Mag-click Dito
para i-download ang App
Hindi kailangang magpasuri
Nakumpleto mo ang 14 na araw nang walang sintomas?
Dahil nagtatagal nang 14 na araw ang panahon ng ingkubasyon ng virus, na ang ibig sabihin ay maaaring hindi ito makita kapag nagpasuri
Nagkaroon ka ba ng pakikisalamuha sa isang kumpirmadong kaso?
Ibukod ang iyong sarili sa tahanan nang 14 na araw
kahit na negatibo ang mga resulta ng pagsusuri ng laboratoryo dahil nagtatagal nang 14 na araw ang panahon ng ingkubasyon ng virus, na ang ibig sabihin ay maaaring hindi ito makita kapag nagpasuri.
Sino ang taong itinuturing na nakasalamuha ng indibidwal na may impeksiyon?
Sinumang naninirahan kasama niya sa parehong bahay
Sinumang direktang nakipag-ugnayan sa kaniya, sa pamamagitan ng pakikipagkamay at paghawak o pagdikit
Sinumang nakipag-ugnayan sa isang indibidwal na may impeksiyon nang may distansiya na mas malapit sa 2 metro sa higit sa 15 minuto
Nagsisimula ang panahon ng Pakikisalamuha:
Mula 2 araw bago lumitaw ang mga sintomas sa indibidwal na may impeksiyon at hanggang14 na araw.
Kung walang sintomas, dapat itong bilangin mula noong kumuha ng pagsusuri.
Ano ang dapat gawin ng mga taong naninirahan sa parehong sambahayan?
Panatilihing 2 metro ang distansiya mula sa indibidwal na may impeksiyon at iwasan ang anumang hindi kinakailangang pisikal na pakikisalamuha.
Magsuot ng mask at mga guwantes kapag nakikipag-ugnayan sa indibidwal na may impeksiyon o sa mga personal na gamit niya gaya ng mga kagamitan tulad ng kaniyang mga pinagkainan
Huwag ibahagi ang mga personal na kagamitan ng indibidwal na may impeksiyon gaya ng kanilang mga plato para sa pagkain, baso, tuwalya, sapin ng kama, elektronikong kagamitan gaya ng cell phone
Linisin ang mga gamit at patungan na madalas mahawakan gaya ng mga switch ng ilaw at hawakan ng pinto.
Hugasan ang mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang indibidwal na may impeksiyon, kaniyang mga gamit, o pagkain sa tagal na hindi bababa sa 40 segundo
Labhan ang iyong mga damit at mga sapin ng kama nang hiwalay gamit ang maligamgam na tubig at sabong panlaba at patuyuin ang mga ito nang mabuti.
Turuan ang mga bata tungkol sa mga hakbang sa pag-iwas at proteksiyon laban sa pagkahawa.
Kung magsimulang lumitaw ang anumang sintomas,
pumunta kaagad sa pinakamalapit na klinika (Tetamman) sa paligid mo.
Para I-download:
Sino ang nag-aalaga ng indibidwal na sumasailalim sa Pagbubukod sa Tahanan?
Para maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon sa ibang miyembro sa parehong sambahayan, dapat sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Magtalaga ng isang indibidwal para magbigay ng pangangalaga at tulong kapag kailangan.
Ipaalam sa indibidwal ang mga pag-iingat para sa pag-iwas, kasama ang paraan ng paghuhugas ng mga kamay at pagsusuot ng mga mask, pati na rin ng mga guwantes.
Obligation silang magsuot ng pamprotektang kagamitan (mga guwantes at mask) sa tuwing nakikipag-usap sila sa indibidwal na sumasailalim sa pagbubukod sa tahanan.
Isinalaysay ni Abu Sa`id Al-Khudri at
Abu Huraira: Sinabi ng Propeta, “Walang
pagkapagod, o sakit, o kalungkutan, o
pinsala, o kahirapan ang napapataw sa
isang Muslim, kahit na ang tusok na
makukuha niya ay nagmula sa tinik,
ngunit ang ilan sa kanyang mga
kasalanan ay ipinagbabayad-sala ni
Allah para sa mga iyon.”
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Gusto mong magpasuri?
Mga sentro ng pagsusuri ng Taakad
Mga sentro ng pagsusuri ng Taakad para sa mga walang sintomas
Panooring ang video
Mag-book ng appointment sa pamamagitan ng Sehaty app
I-download ang App ngayon
Rest Assured
Ang Rest Assured (Tetamman) ay isa sa mga app ng MOH, na idinisenyo para magbigay ng proteksiyon at pangangalagang pangkalusugan para sa mga mamamayan at residenteng isinangguni para sa pagbubukod o quarantine sa tahanan; para tiyakin ang kanilang kaligtasan at pahusayin ang mga pamamaraan para sa paggaling.
Mga Serbisyo
Napapanahong datos sa mga nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso
Mga resulta ng pagsusuri
Edukasyonal na aklatan
Mga abiso sa SMS
Mga link sa suporta sa pagsisiyasat sa pag-aaral ukol sa epidemya
Araw-araw na pag-follow up sa katayuan ng kalusugan
Pag-abiso sa pamamagitan ng mga Mensahe at Awtomatikong Tawag
Countdown na pantukoy para sa pagbubukod para sa kalusugan
Mga Benepisyaryo
Mga nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso
Mga pagdating mula sa paglalakbay
Mga kumpirmadong kaso na sumasailalim sa pagbubukod o quarantine sa tahanan
Mga pinagsususpetsahang kaso
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Patuloy na gawin ang mga pag-iingat
Hugasan ang iyong mga kamay
Magsuot ng telang mask
Panatilihin ang ligtas na distansiya
Huwag makipagkamay
Gumamit ng tisyu para takpan ang bahing
Ang mga pangunahing pag-iingat na dapat mong gawin:
Panatilihin ang distansiya na 2 metro kapag kailangan mong makipag-usap sa mga tao sa paligid mo.
Hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay nang madalas
Ikaw at ang indibidwal na nag-aalaga at tumutulong sa iyo ay dapat na magsuot ng mask
Takpan ang iyong bibig at ilong kapag umuubo at bumabahing
Sabi ni Aban bin Uthman: “Narinig kong
sinabi ni Uthman bin Affan [nawa’y
malugod si Allah sa kanya]: ‘Sinabi ng
Sugo ni Allah: “Walang sumasamba na
nagsasabi, sa umaga ng bawat araw, at sa
kadiliman ng gabi: ‘Sa Ngalan ng Allah, na
sa Kanyang Pangalan ay walang
mapipinsalang bagay sa lupa o sa mga
kalangitan, at Siya ang Nakakarinig, ang
Nakakabatid – tatlong beses, ang
magkakaroon ng anumang pinsala.”
Isinalaysay ni Abu Dawood
Maraming salamat sa pagpapakita ng karunungan sa iyong mga pagkilos…
Binabati mo ang ibang tao nang hindi nakikipagkamayan
Namimili ka sa ligtas na paraan
Pinapanatili mo ang 2 metrong distansiya sa pagitan mo at ng ibang tao
Iniiwasan mong ibahagi ang iyong mga personal na kagamitan
Nagtutuon ka sa paggamit ng iyong mask at sanitizer
Kailan mo dapat Ibukod ang iyong sarili sa tahanan?
Sundin ang payo ni Dr. Nizar Bahbari sa video na ito
Huwag matakot… ang pagbubukod sa tahanan ay nangangahulugang matatag ang iyong kondisyon
Ang Iyong Tahanan ang iyong Ligtas na Kanlungan
Ang karanasan ng pagkakaroon ng impeksiyon
Mga Posibleng Kaso ng Impeksiyon
Gusto mong magpasuri?
Nakasalamuha mo ang isang taong may kumpirmadong kaso?
Mayroon kang mga sintomas?
Mga sentro ng pagsusuri ng Taakad
Magrehistro sa Tetamman app
Mga klinika ng Tetamman
Nasuring positibo
Nasuring negatibo
Ibukod ang iyong sarili nang 14 na araw
Mga banayad na sintomas
Mga malalang sintomas
Nakumpleto mo ang 14 na araw nang walang sintomas?
Lumitaw ang mga sintomas sa panahon ng pagbubukod?
Bumukod nang 10 araw sa tahanan
Kumuha ng medikal na pangangalaga
Walang sintomas
Mayroon ka bang mga sintomas na nagpapatuloy o lumilitaw pa lamang?
Patuloy na sundin ang mga pag-iingat
Paggaling
Ang iyong gabay sa mga serbisyong pangkalusugan
Mga App
Sehaty
Para mag-book ng appointment sa BeSure
Tetamman
Para sa pang-araw-araw na pagsusubaybay ng kondisyon ng kalusugan at paglabas ng mga resulta
Tawakkalna
Humiling ng pahintulot
Tabaud
Makatanggap ng notipikasyon para sa mga taong nakasalamuha
Mag-click sa kailangang serbisyo
Mga Klinika
Tetamman
Mga bukas na klinika na tumatanggap ng mga indibidwal na mayroong mga sintomas nang walang appointment
Mga Sentro
Mga Sentro ng Taakkad
Maging tiyak sa mga sentro ng Taakkad na itinalaga para sa mga walang sintomas ng COVID-19.
Makipag-ugnayan
937
Para sa mga medikal at pangserbisyong pagpapayo
920005937
Para sa mga medikal at pangserbisyong pagpapayo
Mayroon ka bang tanong?
Tingnan ang Mga Madalas Itanong tungkol sa Coronavirus sa link na ito:
https://covid19awareness.sa/faqs
Sa Huli…
Tandaan na ang kalusugan at katatagan ng iyong pag-iisip ay isang pangunahing dahilan na tumutulong palakasin ang iyong pisikal na inmunidad at lakas laban sa virus
Alagaan nang mabuti ang iyong kalusugan at hangad namin ang iyong mabilis na paggaling!
Makatitiyak ka… Malapit kami sa iyo para tumulong